

Juniors, agresibong pumalo; Muling Bumalik sa Trono
ni INCAT

LAOAG CITY-Matapos ang limang taong pinagkaitan ng korona, mala-tigreng sinunggaban ng Junior Tossers mula sa mga bumubulusok na pag-atake ang naghihingalong Senior Spikers sa INCAT Intamurals Volleyball Championship Game, 2-0 (25-23, 25-18), na linarga sa nag-iinit na Marcos Stadium, ika-24 ng Hulyo, 2025.
Rumaragasang sizzling at booming spikes mula sa nagbabagang palad ni Jonh Reyes ang tuluyang nagbalik sa kanila ng matagal ng pinakaaasam na korona.
Humugot ng mga mapanlinlang na placings ang Juniors sa umpisa ng set palang upang agarang sikwatin ang tatlong kalamangan.
Hindi rin basta nagpalupig ang mga Seniors matapos kontrahin ang agresibong pag-atake ng Juniors mula sa mga sagradong blocks na nagbaba sa iisang kalamangan, 15-14, at pumigil sa kanilang pagratsada.
Nagpatuloy ang masinsinang sagutan ng mga sumasagitsit na spikes hanggang sa umabot sa match point, ginulantang ni Reyes ang katunggali mula sa biglaang drop shot na nagbigay sa kanila ng unang set, 25-23.
Naging mailap ang pagsisimula ng pangalawang set matapos ang hindi pagkagat ng Seniors sa mga nakamamatay na bitag ng Juniors.
Nang patuloy sa pag-iwas ang Seniors ay dito na naghimagsik ang mga Juniors matapos pumukol ng mga dumadagundong na spikes na bumasag sa kanilang mala-pader na depensa at nagbigay sa kanila ng pagkakataong palobohin sa lima ang kalamangan, 15-10.
Gayunpaman, tuluyan ng dinispatsa ng Juniors ang kanilang katunggali matapos bumanat ng mga perpektong sunod-sunod forehand drive at cross-court spikes mula sa nagliliyab na palad ni Reyes, 25-28.
“We prepared for this match but they are equipped with strong offense and defense” sambit ni G. Melvin Bautista, ang tagapagsanay ng Juniors.
Dagdag pa nito “malakas naman ang aming koponan pero kahanga-hanga and offense-defense na kanilang ipinakita.”
Patunay lamang ang kanilang ipinamalas na talento ay bunga ng kanilang puspusang pag-eensayo at at pagiging determinadong manalo. At ngayon, matagumpay nilang ipinatikim ang matamin na pagkapanalo para sa kanilang pinakaaasam na korona matapos ang matagal na panahong pagkakalugmok.