

Pagratsada para sa layuning inaasinta
ni INCAT

Mala-agilang bilis na pag dive, bumubulusok na pag-atake, at rumaragasang spikes, ilan lamang yan sa mga nakakalaglag-pangang ipinamalas ng isang 14 taong gulang. Siya si John Reyes, ang naghahalimaw na outside hitter matapos ang kanilang madugong sagupaan sa Volleyball Championship game ng INCAT Intramurals.
Katulad ng pagluluto, kinakailangan din ng pagtitiwala sa sarili, determinasyon, at pagmamahal sa laro bilang sangkap na dapat taglayin ng bawat manlalaro upang makabuo ng isang masarap na putahe.
Simula pagkabata, si Reyes ay lubos ng humahanga sa mga napapanood na volleyball games kung kaya’t dito siya nangarap na matuto sa paglalaro nito. Noong siya’y tumungtong sa elementariya dito niya unang sanayin ang kaniyang sarili matapos opisyal na pasukin ang mundo sa larangan ng palakas ng volleyball. At dito, nakitaan siya ng potensiyal ng kaniyang tagapagsanay kung kayat nagputuloy siya sa paghubog ng kakayahan nito.
Di nagtagal, sunod-sunod ang torneyong kanilang linalahokan. Hindi man sa lahat ng pagkakataon ay may naiuuwi silang panalo ay nagsilbi itong inspirasyon upang paigtingan pa ang kanilang pag-eensayo at balang araw ay makilala siya larangan ng volleyball.
Pagtungtong sa sekondariya, ipinagpatuloy niya ang kaniyang nasimulan. Medyo nahirapan siyang sumabay sa una dahil sa mas nakatatanda ang kaniyang mga kinakalaro ngunit unti-unti rin nanakasasabay dahil sa mas maigting na pag-eensayo. Nang papalapit na ang kanilang Intramurals, bawat oras ay kaniyang ibinubuhos sa pagpapalakas ng buto upang makasabay sa paparating na laro. At sa mismong araw na ng kanilang laban ay walang kahirap-hirap nilang inungusan ang bawat katuggali at matagumpay na makapasok sa Finals kontra sa naghihimagsik na seniors.
Nahirapan sila sa laro ngunit matagumpay na maibulsa ang korona matapos ang kanilang limang taong pagkakalugmok sa naturang palaro. Hindi man naging madali ang kanilang pinagdaanan upang maabot ang kanilang pinakaasam na panalo ay napatunayan nil ana kaya nilang sumabay sa mas nakatatanda sa kanila.
Hindi lang basta pagiging atleta ang ipinakita ni Florante Carreon sa nasabing laro, ipinakita niya na ang pagtutulungan ng bawat isa ang mag-uudyok sa kanila sa tunay na tagumpay. Ngayon, patuloy siya sa paghasa ang sarili para sa susunod pang mga laro at maipagpatuloy ang unti-unting paghakbang para sa pinakaaasam na pangarap.