

Kawalan ng access sa gabay, ugat ng maagang pagbubuntis
ni Padre Annibale Integrated School

Habang tumataas ang bilang ng maagang pagbubuntis sa Ilocos Norte, lumalabas na hindi lamang kakulangan sa kaalaman ang problema, Kundi ang kawalan ng access sa tamang suporta lalo na sa mga Kabataang mula sa liblib at katutubong lugar, Nobyembre 18.
Ayon sa mga kinatawan ng sektor, hindi sapat ang naabot ng mga programang pangkabataan dahil kadalasan ay naiwan ang mga lugar na malayo sa sentro ng edukasyon at serbisyong pangkalusugan.
Sa kabila ng mga inilulunsad na programa ng pamahalaan, nananatiling hadlang ang distansya, kakulangan ng guro at kawalan ng tuloy-tukloy na sex-education.
Dahil dito, nagiging hadlang din ang hiya at takot sa magtanong tungkol sa sekswalidad dahil sa mga panama ng mga konserbatibong pananaw ng ibang tao.
Samantala, maraming magulang ang hindi rin nabibigyan ng tamang edukasyon upang gabayan ang ang kanilang anak lalo na’t hindi pangkaraniwan ang bukas nap ag-uusap tungkol sa relasyon at responsibilidad sa pamilya.
Ang panawagan na dalhin ang edukasyon, serbisyo at suporta hindi lamang sa loob ng paaralan kundi direkta sa mga komunidad na pinakamadalang madatnan ng tulong.