

Malinaw na Kaalaman, Magandang Kinabukasan

Ang pagbubuntis ay isang bagay na dapat pinag-iisipan dahil kapag nagkamali ay maaaring magdulot ng maling desisyon. Duma-dami na ang nagiging kabilang dito kung kaya’t patuloy ang pagpapatibay ng pamahalaan sa bawat programang naitatalaga tungkol dito.
Ngunit wala ring silbi ang pamahalaan kung ang kabataan na mismo ang gumagawa ng bagay na ikasisira niya. Minsan dahil sa kakulangan ng paggabay ay napapariwara ang isang bata ngunit hindi ba’t nasa kabataan rin ang desisyon kung sasang-ayon ba siya rito?
Maaaring nagkulang sa gabay ang isang magulang kung kaya’t nagiging dahilan ng pagkawala sa tamang landas ang isang bata. Ngunit kung tutuusin ang batang may sapat na kaalaman sa maaaring maging epekto nito sa buhay niya ay hindi magtatangka na sumubok pa.
Ilan sa maaaring maging epekto nito ay ang paghihirap ng pamilya, hindi lamang ng magulang kundi pati na rin ang mga anak. Minsan ay walang makain, walang maayos na tahanan at maaaring makaapekto sa kalusugan ng bata.
Ang pagpapamilya ay bagay na nais makamit ng bawat tao sa mundo kabilang na rito ang pagkakaroon ng anak na siyang makakasama sa pagtanda. Subalit ito ay maiging pinagpaplanohan at hindi bigla lamang ginagawa dahil ito ay makakaapekto sa hinaharap ng bawat isa.
Tandaan, ang maliwanag na hinaharap ay nakatali sa desisyong iyong pipiliin sa kasalukuyan.