

Pangarap at Plano Tungo sa Magandang Kinabukasan

Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng maagang pagbubuntis, may mga itinalagang programa ang pamahalaan at mga paraan na maaaring gawin upang matugunan na ang problemang ito. ang mga paraan na siyang tumutulong upang maiwasan ng kabataan ang mga ganitong pangyayari.
Isa na rito ay ang pagkakaroon ng komprehensibong kaalaman tungkol sa sekswalidad kung saan mabibigyan ng karagdagang kaalaman ang kabataan nang sa gayon ay maiwasan ang pagtaas ng mga kaso nito sa bansa.
Isang paraan din ay ang pagkakaroon ng oras para sa pagpaplano, ang pagkakaroon ng pamilya ay isang seryosong usapin kung saan nangangailangan ng tiyak at epektibong plano upang sa hinaharap ay maiwasan ang mga problema.
May mga programa rin ang iba’t ibang departamento ng pamahalaan na maaaring salihan ng mga kabataan. Isang halimbawa ng programa ay ang “Tulong Kabataan” kung saan layunin nito na manghikayat ng mga kabataaan na magkaroon ng kaalaman patungkol sa isyu.
Marami ang mga bagay na dapat malaman upang maiwasan ang maagang pagbubuntis. Hindi maikakaila na isa ang pag-iingat sa paraan upang maiwasan ito ngunit ang pagkakaroon ng kaalaman patungkol dito ay isang bagay na dapat gawin ng isang kabataan.