Tulong Kabataan inisulong ng DepEd laban sa maagang pagbubuntis

ni Padre Annibale Integrated School

Ipinanawagan ng Department of Education (DEPED) ang mas malawak na kampanya sa mga paaralan para pigilan ang pagtaas ng kaso ng maagang pagbubuntis sa isang press conference sa Ilocos Norte National High School, Nobyembre 18.

Naitala ang 182 bagong kaso sa Ilocos Norte sa loob lamang ng isang taon, bagaman ito ay nakakabahala.

Sa programang Tulong Kabataan, layon ng DepEd na paigtingin ang edukasyon ukol sa sekswaliadad at tamang pagpapasya.

Saad nila, mjalaki ang tungkulin ng paaralan sa pagbibigay ng tamang impormasyon at paghuhubog ng wastong pananaw ng mga kabataan.

Ang masusing datos, seminar, at pagbibigay ng gabay sa mga mag-aaral upang hindi mawalan ng direksyon at mapunta sa maagang pagbuo ng pamilya.

Dagdag pa rito, nakikipag ugnayan ang DepEd sa local na pamahalaan at DSWD upang maabot maging ang mga pamayanang malayo sa sentro, kabilang ang mga Indigenous people, sa pamamagitan ng mobile seminars at community-based learning.

Tiniyak ng mga ahensya na walang Kabataang maiiwan sa usapin ng tamang kaalaman, lalo na ang “Tulong Kabataan” ay nakatuon hindi lamang sa pagtuturo Kundi sa paglikha ng ligtas at suportadong kapaligiran para sa lahat ng Kabataan.

Scroll to Top