

DSWD, binigyang-diin ang patuloy na pagtaas ng maagang pagbubuntis sa Ilocos Norte
ni Padre Annibale Integrated School

Ibinahagi ni Ginoong Jose Bembong isang kinatawan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng lungsod ng Laoag ang patuloy na pagtaas ng mga nakakaranas ng maagang pagbubuntis dulot ng kakulangan sa kaalaman at paggabay ukol sa sekswalidad sa isang press conference sa Ilocos Norte National High School (INNHS), Nobyembre 18.
Ayon sa Gender and Development office mahigit 107 kaso at 7 dito ay 14 taong gulang ang nabubuntis sa murang edad.
Samantala, inilahad ni Governor Matthew Marcos Manotoc, isang pamahalaang opisyal ng Ilocos Norte na mayroong 122 bagong kaso ang naitala na maagang nabubuntis sa loob ng Ilocos Norte.
Batay naman sa tala ng Comission on Population and Development mayroong 260 ang nakalampas sa kapahamakan dulot ng pagbubuntis mula 2020 hanggang 2023 na naglalagay sa Ilocos Norte sa sitwasyong nangangailngan ng agarang aksyon.
Ayon sa mga kinauukulan, patuloy na lumalala ang datos kasabay ng kakulangan sa tamang impormasyon at gabay para sa mga Kabataan.
Iginiit din ng Sarrat National High School na kinakailangan magbigay ng tamang pag-gabay sa sekswalidad at kaalaman sa pagkakaroon ng responsibilidad para sa mga Kabataan.
Layunin nilang mabawasan ang kaso at matulungan ang mga Kabataang nakararanas ng komplikasyon, emosyonal na pansin at problemang pangkasulugan dahil sa maagang pagbubuntis.
Aniya ni Bembong, kailangan ng komprehensibong sex education, family planning, at youth-friendly na programa upang maiwasan ang patuloy na pagdami ng kaso.